Wednesday, June 1, 2011

Gabay sa Web Program

Libreng palathala ng ating kabuhayan



Ang Golden Group ay isang kapatiran. Bilang magkakapatid ay dapat lamang na tulungan natin ang ating mga kapwa miyembro.

Lahat tayo ay may sariling negosyo o serbisyo bilang kabuhayan. Mayroon po tayong dentista, karpintero, pari, balut vendor at marami pang uri ng kabuhayan. Ang abogado po ay paminsan-minsan ay kailangan din ng mekaniko. Ang pulis naman nagpapagupit din ng buhok.

Hindi po ba mas mabuti na tangkilikin muna ang kapwa miyembro bago pa ang iba?

Sa makabagong panahon, ang INTERNET ay malaking tulong sa anumang negosyo o serbisyo.

Lahat po ay maaring sumali sa programang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon sa Application Form mula sa mga branch office natin. Pwede pong maglagay ng higit pa sa isang negosyo. Halimbawa : auto repair, steel works at junk shop. O kaya naman canteen at catering service. Bawat buwan, hihimayin ng ating computer ang lahat ng miyembro in good standing at iyon lamang ang kasama sa lathala sa buwang iyon. 

Maaring sa susunod na buwan ay maisama o maialis ang pangalan ng miyembro base kung siya ay in
good standing o hindi sa buwan na iyon.

Sa ganitong paraan, ang kapwa natin miyembro ay maaring tumangkilik sa atin.

Kung nais pong sumali, makipaugnayan lamang tayo sa pinakamalapit na opisina.





No comments:

Post a Comment