Tuesday, March 22, 2011

MAIKLING KASAYSAYAN

Ang Golden Group Cooperative ay sinimulan noong 1989 at narehistro sa Cooperative Development Authority (CDA) noong January 16, 1991 at may registration # QC 272. Ito ay binubuo at pag-aari ng mga kasaping miyembro ng manininda sa mga palengke ng Siyudad ng San Fernando. Ang mga layunin nito ay maiangat ang kabuhayan ng mga manininda ng palengke sa pamamagitan ng:
  1. Pagbibigay o pagpapautang ng puhunan sa mababang interes lamang.
  2. Paliwanag sa mga kasapi ng kahalagahan ng pag-iimpok o savings.Ang pag-iimpok ay isa ring mabisang paraan upang mabawasan ang pagtaya ng miyembro sa sugal.
  3. Mabawasan ang nakasisirang kompetisyon sa mga miyembrong manininda, sa halip hikayatin ang pagsuporta o pamimili ng mga miyembro sa produkto ng ibang miyembro na hindi niya tinitinda.
Mabilis ang pagdami ng mga miyembro at paglaki ng operasyon ng kooperatiba mula taong 1992-1994. Ang pagdating ng lahar San Fernado ang pinaka malaking pagsubok. Maraming miyembro ang nabangkrupt o tumigil sa pagtitinda. Marahil sa pamamagitan ng dasal at katatagan ng mga opisyal kaya muling nakabangon ang kooperatiba.

No comments:

Post a Comment