Monday, April 18, 2011

ALANG KASAMBUT SAVINGS PROGRAM



Mga Alituntunin ng programang ito:

1. Sa bawat P100.00 na balanse (average daily balance) ng inyong perang nakadeposito sa programang ito, kayo ay mabibigyan ng isang Electronic Ticket (E-ticket). Ang E-ticket ay numero na galing sa computer at hindi tulad ng ordinaryong ticket na kailangan pang sulatan ng pangalan. Ang lahat ng E-ticket ay ilalathala sa main office, sa ating website www.goldenpampanga.blogspot.com at ipapadala sa Text tuwing katapusan ng buwan.
2. Bukod sa average daily balance, kailangan mayroong ending balance na P100.00 sa katapusan ng buwan para makasali sa papremyo.
3. Ang inyong pera na nakadeposito sa Alang Kasambut Savings Program ay hindi kikita ng anumang interest dahil ang lahat ng interest ng lahat ng sumali sa programang ito ay syang nagiging “pot money” o papremyo sa katapusan ng buwan.
4. Anumang oras maari kang mag-withdraw o isara ang inyong Alang Kasambut Savings account. Ang E-ticket na inyong matatanggap ay ginagawa bawat buwan at maaring mabawas o madagdagan depende sa balance nyo sa buwan na iyon.

No comments:

Post a Comment